Tinarakan sa Gangnam Style

HINDI AKALAIN ng isang lalaki na ang masayang pag-indak ng Gangnam Style ni Korean Pop Singer Psy ang huli niyang pagsayaw makaraang masaksak sa bayan ng San Remegio, Antique.

Kinilala ang biktimang si Rey Centenna, 34-anyos at residente ng Bugo, San Remegio, Antique.

Sa ulat, naganap ang insidente sa isang sayawan sa Brgy. Agricula ng nabanggit na bayan kung saan mayroong birthday party.

Labis nagkumahog ang mga party-goer nang pumailanlang ang tugtugin na Oppa Gangnam Style kaya nagmamadaling nagtungo sa dance floor dahilan para magkabungguan.

Sa ulat ng pulisya, posibleng may nabunggo ang biktima na napikon sa kanya kaya naman makaraan ang sayaw ay hinintay ito ng mga ‘di pa nakikilang salarin at pinagsasaksak sa tagiliran.

Naisugod pa sa Anghel Salazar Memorial Hospital si Centenna sa bayan ng San Jose subalit namatay ito dahil sa dami ng dugong tumagas sa kanya.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.