Tinapay, magtataas na naman ng presyo

MALAMANG  NA MADISMAYA ang mamamayan, matapos muling ihirit ang pagtaas ng presyo ng tinapay sa susunod na buwan, kasunod ng unang pagtataas ng mga ibinebentang tinapay sa mga supermarket  nitong nakalipas na Nobyembre 17.

Ito ang nabatid sa isang source mula sa baker’s industry, kasabay ng pahayag na simula sa Disyembre 1,magtataas na ng P1 sa kanilang tinapay ang mga community bakery.

Hindi umano maiwasan ang pagtaas ng tinapay bunsod ng walang patid na pagtaas sa presyo ng asukal at harina na ginagamit bilang pangunahing sangkap sa paggawa ng tinapay.

“’Yong harina tataas pa ng P40 kada bag at ‘yong asukal, magiging P3,500 pa isang bag,mula sa P3,100 kada bag,” ayon sa source.

Nalaman sa source na noong nakalipas na Nobyembre 17, nagtaas na ng P1 – P1.50 ang mga tinapay sa mga supermarket.

Susunod na umanong magtataas ay iyong mga maliliit na panaderya, dahil hindi na nila kayang imintina pa ang dating presyo ng tinapay sanhi ng pagtaas ng presyo ng mga sangkap nito. (ANTAX EMPLEO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.