Tinangkang gahasain ang anak
Ama, hinabol ng taga ng suspek

NAKALIGTAS SA tiyak na kapahamakan ang isang ama at kanyang menor de edad na anak na babae makaraang habulin ng taga at pagtangkaan namang halayin ang anak ng isa nilang kaanak sa loob ng kanilang bahay sa Malabon City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ng Malabon Police Station ang mag-amang biktima na sina Rogelio Dado, 36, ang anak nitong si Danica, 13, mga residente ng Brgy. Kaingin, Tenajeros ng nabanggit na lungsod.

Kaagad namang naa-resto ng mga barangay tanod ang suspek na nakilalang si Ryan Cabullos, 19, out of school youth, at kapisan sa bahay ng mag-amang biktima.

Base sa ulat ng nasabing himpilan ng pulisya, bandang alas-4:30 ng umaga kahapon nang maganap ang nasabing insidente sa loob ng kani-lang bahay sa nabanggit na lugar.

Nabatid, tatlong beses na nagsusumbong si Danica sa kanyang ama na umano ay maraming ulit na siyang pinatangkaang pagsamantalahan dahilan upang bantayan mabuti ng ama ang ka-nyang anak.

Habang natutulog ang mag-ama ay biglang na-gising si Dado at kanyang nakita ang suspek na nakatayo sa harap ng natutulog na dalagita at pinagmamasadan ang hubog ng katawan ng batang babae habang bangag sa ipinagbabawal na droga.

Dahil dito ay kinagalitan at pinalayas ng ama ang suspek na agad namang umalis. Subalit makalipas ang may ilang sandali, nagbalik si Cabullos hawak ang isang 19 na pulgadang samurai at hinabol ng taga si Dado hanggang sa labas ng kanilang bahay.

Habang hinahabol ng taga ng suspek si Dado ay naalerto ang mga barangay tanod sa nasabing lugar hanggang sa maa-resto ang suspek at dalhin sa himpilan ng pulisya.

Ang suspek ay detinido ngayon sa detention cell ng Malabon PNP at ipaghaharap ng kasong Frustrated Homicide at tangkang panggagahasa sa Malabon City Prosecutor’s Office.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.