Tinangka nang nakawan, nabaril pa sa bayag

DOUBLE WHAMMY o dobleng kamalasan ang inabot ng isang canning factory worker matapos mabaril sa kanyang ari ng lalaking nagtangkang pumasok sa kanilang bahay sa General Santos City.

Kinilala ang biktima na si Jimmy Suesi,  28-anyos, residente ng purok San Miguel, Calumpang.

Sinabi ni Evelyn Abu-abo, live-in partner ng biktima na nangyari ang pamamaril nang biglang lumabas ng bahay ang karelasyon ala-1 ng madaling-araw dahil sa kutob nito na may magnanakaw.

Bigla na lamang tinutukan ng baril ang biktima nang makalabas ng kanilang bahay hanggang sa makipag-agawan ito ng baril sa suspek.

Subalit bigla na lamang nakalabit ang gatilyo at pumutok ang baril at tinamaan sa kanyang binti ang biktima na tumagos sa kanyang bayag.

Patuloy pa ring iniim-bestigahan ng kapulisan ang insidente at para matukoy ang suspek.

 (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.