Tinanggihan sa Sex ni Misis; Mister, Ibinalibag ang Sanggol na Anak

KULONG ANG isang mister matapos ibalibag ang sanggol na anak makaraang tanggihan ng misis na makipag-sex sa Caloocan City kamakalawa ng ma-daling-araw.

Nahaharap sa kasong Child Abuse si July Baret, 58 ng Julian Felipe St., ng lungsod habang nasa ligtas nang kalagayan ang biktimang 1-taong gulang na sanggol na lalaki.

Sa ulat ng pulisya, umalis ng bahay ang suspek at nakipag-inuman matapos tanggihang makipag-sex ng asawang si Luz at alas-4 ng madaling-araw ay umuwi at muling humirit subalit bigo uli.

Naasar ang suspek sabay dampot ng natutulog na biktima bago ibinalibag sa sahig.

Sa ingay ay napaba-ngon ang ilang kasambahay na tumawag ng mga barangay tanod at dinakip ang suspek.

 (MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.