Tinanggihan sa kasal, nang-hostage

KULUNGAN ANG kinasadlakan ng isang  33-anyos na ama makaraang i-hostage ang dalawang anak matapos hindi pumayag ang ka-live-in na matuloy ang kanilang kasal sa darating na Setyembre 29, 2012 sa La Union.

Nakilala ang suspek na si Jojo Rodrigo, tubong Baguio City at kasalukuyang nani-nirahan sa Barangay Saga-yad, San Fernando City.

Sinasabing biglang nagbago ang pasya ng 29-anyos na inang kinakasama ng suspek hinggil sa kanilang nakatakdang pagpapakasal.

Ikinatuwiran ni Gloria, ‘di tunay na pangalan, na hindi niya masakyan ang pambababae ni Rodrigo kaya mas minabuting ipagpaliban muna ang kasal.

Bigla na lamang umanong naghuramentado sa loob ng kanilang bahay si Rodrigo nang malaman nito na hindi matutuloy ang kasal kaya tinangay gamit ang isang traysikel ang tatlong buwang sanggol at apat na taong gulang nilang anak.

Dinala umano ng lasing na ama ang mga anak sa Barangay Pagdalagan Sur sa bayan ng Bauang, La Union upang doon saan itago ang mga ito hangga’t hindi pumapayag magpakasal ang kinakasama.

Dahil dito, dumulog sa himpilan ng  isang radio station ang lolo ng mga bata para naman ipaalam sa Bauang Municipal Police Station ang pangho-hostage ng suspek.

Tagumpay namang nailigtas ang sanggol at paslit sa kamay ni Rodrigo na pansamantalang ikinulong.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.