Tinanggihan ni misis Mister, nang-hostage ng sanggol na anak

DAHIL SA PAGIGING desperado at ayaw nang maki-pagbalikan ng kanyang misis, nawala sa katinuan ang isang mister matapos nitong i-hostage ang 11-buwan anak na lalaki makaraang ipagtabuyan ito ng kanyang asawa at tanggihan ang alok na pakikipagbalikan ng suspek kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Nakapiit naman sa detention cell ng Station Investigation Bureau Management (SIBM) sa Navotas police ang suspek na si Allan Davadilla Salazar, 33, ng Barangay Bangkulasi, Navotas City.

Isinugod naman sa Tondo Medical Center ni Elvira Salazar, ina ni Baby James (‘di tunay na pangalan) upang lapatan ng lunas ang mga tinamong galos at pasa sa katawan.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:00 ng gabi kamakalawa nang maganap ang insidente sa bahay ng mag-asawa sa nasabing lugar.

Nabatid na tumungo ang suspek sa bahay ng kanyang mag-ina upang magsumamo na gusto na nitong makipagbalikan kay Elvira makalipas ang ilang buwang paghihiwalay. Subalit, nagmatigas na tumanggi ang misis nito at ayaw nang makipagbalikan na ikinagalit ng suspek.

Dito, bigla na lamang kinuha ng suspek ang anak nilang nakahiga at kinarga, sa pag-aakala ni Elvira na nais lamang kargahin ng kanyang asawa (suspek) ang kanilang anak ay hindi nito pinagkaitan.

Subalit, ito pala ang gagamitin ng suspek na paraan sa asawa para ito’y makipagbalikan hanggang sa i-hostage na nito.

Naging mahinahon naman si Elvira sa pakikipag-usap sa suspek at kinukuha nito ang loob ng asawa para makuha ang kanilang anak hanggang sa nag-aagawan ang mga ito, subalit nasasaktan na ang sanggol na ikinatamo nito ng pasa at galos sa katawan.

Ilang minuto ang makalipas, unti-unting nakuha nito ang loob ng suspek hanggang sa makuha ang kanilang anak sa kamay ng asawa.

Bigla na lamang nagsidatingan ang mga nagrespondeng pulis na itinawag ng mga kapitbahay nang malaman ng mga ito ang ingay at pinag-aawayan ng mag-asawa.

Agad na pinosasan ang suspek at dinala sa nasabing himpilan ng pulisya, para sampahan ng kaukulang kaso.

Ayon naman sa misis ng suspek, wala itong planong iurong ang reklamo sa takot na muli silang balikang mag-ina at tutuluyan na sila nitong saktan.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Tinanggihan ni misis Mister, nang-hostage ng sanggol na anak

  1. Pingback: Tinanggihan ni misis Mister, nang-hostage ng sanggol na anak | blog

Leave a Reply

Your email address will not be published.