Tinanggihan ng Nobya na Magtanan; Binata, Nagpakamatay

PAG-IBIG ANG ugat umano ng pagpapakamatay ng isang 21 anyos na binata sa pamamagitan ng pag-inom ng silver cleaner matapos na tumanggi umano ang kasintahan ng biktima na sumamang magtanan sa biktima sa Caloocan City.

Kinilala ni PO2 Romel A. Bautista, ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) ng Caloocan PNP at may hawak ng kaso ang biktima na si Junar Lorenzo, binata, tubong-Bulacan at stay-in helper sa bahay ng kanyang amo sa Block-9, Lot-86, Pusit Alley, Brgy. 12, Dagat-Dagatan ng nabanggit na lungsod.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Bautista, bandang alas-11 ng gabi nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa rooftop ng 4-storey building na pag-aari ng kanyang amo na si Philip Cahilig, 40, vegetable dealer na matatagpuan sa nasabing lugar.

Nabatid na bago umano

isagawa ng biktima ang pagpapakamatay, niyaya ng biktima ang kanyang kasintahan na magsama na sila bilang mag-asawa subalit tinanggihan ng babae.

Magmula noon ay lagi nang nakikitang walang kibo at nag-iisip nang malalim si Lorenzo hanggang sa makita itong isang malamig na bangkay.

Nakita sa lugar ng pinangyarihan ng insidente ang isang bote na naglalaman ng silver cleaner at isang notebook kung saan nakasulat ang dahilan ng pagpapakamatay ng biktima.

Sa kasalukuyan, patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang nasabing himpilan ng pulisya para mabatid kung sadyang nagpakamatay si Lorenzo o may naganap na foul play.           (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.