Tinanggihan ang pelikula nina Bossing Vic Sotto at Sen. Bong Revilla Jr.
Ai-Ai delas Alas, gagawin ang pelikulang tinanggihan ni Kris Aquino!

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka.

Kaloka, as in, hindi na raw itutuloy ni Kris Aquino na gawin ang pelikulang Sisteraka na dapat ay entry sa MMFF 2012. Kasi ayon sa tsika, natakot daw ito sa mga makakatapat niya, baka hindi siya umabot sa top 2 or baka mangulelat ang nasabing pelikula. Kasi nga naman, ang kanyang makakasama sa pelikula ay itong si Vice Ganda na puro nega ang issue sa kanya na kesyo hambog, baklang-bakla na ibig sabihin, bakla na nga siya, binabakla pa lalo ang sarili niya, or in short, balahura na pagdating sa mga lalaki, mga basketball player at lantarang ipinagsisigawan. Kaya nag-backout si Kristeta sa nasabing pelikula.
Mabibigat ang mga kalaban niya. Mahihirapan daw makuha ng Sisteraka ang no.1 or no.2 sa box office. Siyempre nga naman, ayaw ni Kristeta na malagay sa bottom at hindi niya pinangarap na mangulelat siya sa takilya kung itutuloy niyang gawin ang pelikula with Vice Ganda. Kaya ang tsika, ipinasa na lang niya sa kanyang BFF na si Ai-Ai de las Alas. Pero teka, ‘di ba tinanggihan daw ni Ai-Ai sina Sen. Bong Revilla at Bossng Vic Sotto na makasama ulit sa pangalawang pagkakataon kaya si Judy Ann Santos ang ipinalit sa kanya? At isa pang chikka, ‘di ba kailan lang nagbati itong sina Ai-Ai at Vice Ganda sa matagal na nilang hindi pa pagkakaunawaan? Mukhang walang chemistry kung silang dalawa ang gagawa ng Sisteraka. Pero ang sabi naman ng katikaterang frog, bagay raw ang dalawa kasi parehas silang kabayotik beauty tulad ko, kaloka naman, ‘di ba?
Hayun, nalalagay ngayon si Ai-Ai sa balag ng alanganin. Kasi nga raw, hindi niya matanggihan ang kanyang BFF na gawin itong pelikula. Marami nga ang nagtatanong na if money talks everybody listen. Pero kung ako ang tatanungin, parang naibala sa kanyon ang Ai-Ai na gustong pumutok ang pressure. At maniniwala ba kayo na ang hindi paggawa ni Kris ng Sisteraka ay dahil daw sa kanyang kalusugan? Parang napakababaw na dahilan kasi mas mukhang malusog pa si Kris kay Ai-Ai.

Ano nga ba ang tunay na dahilan kung bakit umatras si Kris na gawin ang Sisteraka? Si Vice Ganda lang daw ang dapat sumagot sa tanong na ito kung payag siyang makasama si Ai-Ai sa Sisteraka. ‘Yun na!

 

ANYWAY, NGAYON na ang filing ng mga kandidato sa darating na halalan for 2013, palagay n’yo ito kaya ang isa sa dahilan ni Kris na nu’ng mga nakaraang araw, nababalitaan nating ta-takbo ito sa kanilang lugar sa Tarlac o Senador? Wait na lang tayo kung si Kris ay mag-pa file ng kanyang candidacy. Naman!

 

TEKA, TEKA! Naalaala ba n’yo ‘yung nai-feature ko rito sa column ko si Arjo Atayde? Bonggacious, dahil sa kanyang kaiga-igayang dating, sabi ko nga yummy itong anak ng kababayan kong Bicolana na si Sylvia Sanchez.

Nominado bigla si Arjo Atayde sa dara-ting na Philippine Movie Press Club (PMPC) 26th Star Awards for TV bilang Best New Male TV Personality para sa Maalaala Mo Kaya (MMK) “Bangka” episode at Best Single Performance by an Actor sa kaparehong episode (MMK).

My advance congratulations! Kasi malaki ang laban ni Arjo, magaling talaga ang pagka-kaganap niya sa Bangka. Oh, ‘di ba bongga!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

4 thoughts on “Tinanggihan ang pelikula nina Bossing Vic Sotto at Sen. Bong Revilla Jr.
Ai-Ai delas Alas, gagawin ang pelikulang tinanggihan ni Kris Aquino!

  1. GAGO DIN ANG WRITER NA ITO NAPAKA ONE-SIDED! BAKIT MATAKOT SI KRIS AT VICE SA PELIKULA NILA VIC,BONG AT JUDY ANN GAYONG PUMANGALAWA NGA ANG PELIKULA NI KRIS LAST YEAR NA MAY HORROR NA TEMA..ISA PA PABALIK-BALIK NAMAN ANG KONSEPTO NG BONG AT VIC NA YAN…SILA DAPAT KABAHAN KAY VICE AT KRIS KUNG NAGKATAON!

  2. naku naman swarding, ang totoong dahilan ni tetay kaya nya tinangihan ang movie na to kasi ayaw nya i sacrifice ang kris tv nya…. yun lang at wala ng iba.. wag ng lagyan ng issue dahil wala naman talaga….

  3. Kapal naman nitong swarding na ito eh, baka yung ibang entry ang kabahan sa sisteraka dahil hawak lang naman ni Vice ang highest grossing film of all time lang naman, ano ka? bakit mo sinasabing mangungulelat? kapal mo rin! inggit ka lang kay vice

Leave a Reply

Your email address will not be published.