Tinanggal na Clique V member pinayagang bumalik sa grupo

CLIQUE V

TOTOO talaga ang kasabihan na kapag may nawawala ay meron ding bumabalik. Ganito ang nangyari sa all male group na Clique V na mina-manage ng 3:16 Talent Management.

Sa pagkawala ni Rocky noong November dahil sa professionalism issue ay bumalik naman sa grupo ang original member nitong si Josh. Ilang buwang ding nawala sa Clique V si Josh dahil sa isang maselang isyu at sa pagiging unprofessional na rin.

Muling lumapit kay Len Carillo (manager ng 3:16) si Josh kasama ang kanyang butihing ama at nakipag-usap na kung maaari raw ba ay puwede siyang bigyan ulit ng panibagong chance. And after a thorough discussion ng staff with Len, kasama na ang inyong lingkod, napagdesisyunan namin na muling tanggapin si Josh.

Si Josh ay produkto ng Circle of 10 image model search kung saan nanggaling din sina Karl, Sean at Marco na mga original members ng Clique V. Isa pa sa pioneer sa grupo ay si Clay.

Ngayon ay may 9 miyembro na ang Clique V. Bukod kina Josh, Clay, Karl, Sean at Marco, kasama rin sa grupo sina Calvin, Blaize, Kaizer at Gabby.

Ano naman ang naging reaksyon ng ilang Clique V members sa pagbabalik ni Josh sa grupo?

“Okey lang naman sa amin. Mabait naman si Josh at deserved din naman niya ng second chance. We’re happy that he’s back,” sambit pa nila.

On February, magkakaroon ng back-to-back concert ang Clique V kasama ang Belladonnas sa Skydome ng SM North EDSA.

     

La Boka
by Leo Bukas

Leo Bukas

About the Author

has written 1044 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.