Tinamaan ng kidlat 1 Patay; 7 Magsasaka Sugatan

PATAY ANG isa sa pitong magsasaka nang tamaan ng kidlat sa Barangay Ragas, Marcos, Ilocos Norte.

Kinilala ni Sr. Insp. Adriano Licudan, chief of police ng bayan ng Marcos ang biktima na si Christopher Martin, residente ng Brgy. Santiago ng nasabing bayan.

Ayon kay Licudan, ang mga magsasaka ay nasa isang shed sa gitna ng bukirin nang biglang kumidlat at tamaan ang mga ito.

Sa mga biktima, si Martin ang may pinakagrabeng natamong sugat kaya naman nang isugod ito sa ospital ay nasawi rin.

Samantala, bunsod ng matinding sugat na naranasan ng iba pang biktima, inilipat ang mga ito sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa Batac City.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.