Tinalo pa ang ginagaya
Look-alike ni Coco Martin, may kayabangan

HETO NAMAN ang nakawiwindang na chikka! Dahil lokang-loka talaga ako sa mga look-alike na ‘yan na napapanood sa It’s Showtime.

Nakita ko ang mga ka-look-alike ni Coco Martin na si Santi Felix Celso at ni Manny Pacquaio na si Ricky Luzano. Talagang mapapansin mong silang-sila, dahil talagang ‘di sila napapagod mag-emote at gayahin ang mga ka-look-alike nila kahit saan sila magpunta.

Pero take note ha? Naloka naman ako rito kay Coco, dahil talagang medyo may pagkamayabang na siya na talagang nu’ng kausapin ko siya, dedma siya nu’ng una. Nagpakilala naman ako nang maayos dahil gustong magpa-picture nu’ng mga kasama ko. Ayun, um-ok naman siya. Gusto niya na magpapakilala ka pa nang maayos bago ka niya pagbigyan. Ayan ha? Dinaig pa talaga ang totoong Coco Martin?

Siyempre, the second time around, may naka-sight naman sa kanya at hindi raw talaga ito namamansin. Pero siyempre, baka naman busy lang sa mga kasama. Hahaha! Pero ang masasabi lang ng mga kaparazzi namin na pagala-gala sila sa mga gimikan at kung umasta nga naman ay daig pa nila ang mga ka-look-alike nila. Naku, ha? Ayaw ni Coco Martin ng ganyan, hahaha! At ayaw ni Ninong Manny ng ganyan, ‘di ba?

SIYEMPRE AKO pa rin si Lady Camille, ang chismosang kapit-bahay n’yo na na walang sawang chumikka. Kaya naman kung nabitin kayo, pakinggan n’yo pa rin ako sa ganap na 11:30-12:00nn sa DWSS 1494 khz, at every Saturday naman sa DZRH 12:00-1:00pm.

Lay D’ Cam
By Camille Espeña

 

loading...

14 thoughts on “Tinalo pa ang ginagaya
Look-alike ni Coco Martin, may kayabangan

  1. yeah super yabang talaga nya, feeling sikat na talent pa nga lang mataas na ang ambisyon, Mabuti pa yung pangalawang Coco super bait at walang yabang , di katulad nya babaero pa , pakalat kalat sa gimikan at ugaling squash,

  2. MISS CAMILLE ESPENA, NALOKAH NAMAN AKO SA PICTURE MO. SELFIE NA SELFIE ANG DATING. HAHAHAHAHA. TEKA, PARANG NGAYON LANG KITA NAKITA O NABASA DITO. IKAW BA YUNG ANAK NI TITA SWARDING (SLN) NA IPINAGLABAN NYA PARA MAKUHA ANG AWARD SA PAGIGING CUM LAUDE?

Leave a Reply

Your email address will not be published.