Tinakpan ng sako Caretaker, natagpuang patay

PATAY NA AT natatakpan ng sako nang makita ang isang caretaker na hinihinalang pinatay ng hindi pa nakikilalang suspek sa loob ng binabantayang pabrika sa Malabon City kahapon ng umaga.

Putok ang ulo nang makita si Anthony Co, 65, stay-in sa Polyman Manufacturing Corporation sa M. Santos St., Santulan ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-10:30 ng umaga nang makitang natatakpan ng sako ang biktima sa loob ng nasabing pabrika ng kanilang maintenance na si Ceferino Francisco na naging dahilan upang itawag sa pulis.

Nabatid na huling nakitang buhay si Co dakong alas-10 kamakalawa ng gabi na papasok sa pabrika at may kasamang hindi kilalang babae.

Nagsasagawa na nang follow-up ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.    (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.