Tinaguriang ‘Sexy Senator’ sa Pork Scam, Misteryoso

UMAGAW NG pansin ang salitang “sexy” sa seryosong pagdinig ng Senado hinggil sa kontrobersiyal na multi-billion peso pork barrel fund scam.

Nasabi ng whistleblower na si Benhur Luy na kabilang sa mambabatas na sangkot sa nasabing scam ay tinatawag nilang “sexy”.

Nilinaw naman ng whistleblower na ang tinutukoy nilang “sexy” ay hindi babae kundi lalaking senador.

Tinawag umano nilang sexy dahil noon ay mataba ang nabanggit na mambabatas na biglang pumayat at nagkaroon ng magandang katawan.

Pabiro namang nilinaw ng nagtatanong na si Sen. Chiz Escudero na tiyak hindi siya ang tinutukoy dahil matagal na siyang payat.

Nagtawanan pa sa plenaryo nang nakisawsaw si Sen. Ralph Recto na si-nabing noon pa man ay mataba na rin siya.

Samantala, nagmama-tigas rin si Luy na huwag pangalanan ang mga sangkot na senador at kongresista sa scam alinsunod na rin sa kasunduan na inihain ni Justice Sec. Leila De Lima na haharap lamang ang whistleblower sa pagsisiyasat ng Senado bastat hindi ito babanggit ng pa-ngalan ng mga mambabatas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

One thought on “Tinaguriang ‘Sexy Senator’ sa Pork Scam, Misteryoso

Leave a Reply

Your email address will not be published.