Tinaga ng lasing at gutom na mister Misis at biyenan, kritikal

 

KASALUKUYANG SASAM-PAHAN ng patung-patong na kaso ang isang lalaki na tumaga sa kanyang misis at kanyang biyenan sa Malapat, Cordon, Isabela.

Kinilala ni SPO4 Bernardino Labog, investigator ng PNP Cordon ang salarin na si Rex Galong, 30, habang ang kanyang nataga ay ang kanyang misis na si Jocelyn Galong at biyenan na si Dolores Gallardo.

Si Jocelyn ay nagtamo ng taga sa mukha habang si Dolores ay sa kanyang ulo at nilalapatan na ng lunas sa pagamutan.

Sinabi ni SP04 Labog, duguang nagtungo sa kanilang himpilan si Jocelyn upang humingi ng tulong matapos silang tagain ng kanyang asawa na dumating na la-

sing at naghanap ng ulam.

Lalong nagwala ang mister nang lumabas ang kanyang biyenan at pinagsabihan siya sa kanyang pambubulahaw dahil nais-

torbo ang kanilang pagtulog.

Ito na ang ikalawang beses na inireklamo ni Jocelyn ang kanyang asawa dahil sa pananakit sa kanya ngunit pinatawad niya noong una kaya nakalabas sa bilangguan.

Sa ikalawang pananakit at pananaga sa kanya at sa kanyang ina ay desidido na si Jocelyn na ipakulong at kasuhan ang kanyang mister.

Kakasuhan nila sa piskal-ya si Rex Galong ng frustrated parricide, frustrated homicide at paglabag sa Republic Act 9262 o Violation on the Rights of Women and their Children, ani Labog.

Samantala, nagsisisi naman ang mister sa kanyang ginawa at iginiit na wala siya sa katinuan nang tagain ang kanyang misis at biyenan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.