Tinaga; bibig, tinahi; daliri, pinutol Special child, tinortyur

LABIS NA paghihirap bago tuluyang namatay ang isang binatilyo na sinasabing may diperensiya sa pag-iisip sa Batangas.

Kinilala ang biktima na si Manuel Anacan, Jr., 14-anyos na napaulat na namatay noon pang isang linggo at natagpuang patay sa Barangay IV sa bayan ng Santo Tomas.

Sa pagsisiyasat, dumanas ng grabeng pagpapahirap ang biktima kung saan ilang beses itong tinaga, tinahi ang bibig at pinutulan ng daliri.

“Pinarusahan nang maigi, lahat ng pahirap ginawa.Tinaga, pinutulan ng daliri, tinahi ang bibig, ‘di tao ang gagawa nu’n, demonyo ang gumawa sa kapatid ko,” ayon sa kapatid ng biktima na si Marites Paresa.

As of presstime kahapon, iniimbestigahan pa kung sino ang may kagagawan sa karumal-dumal na krimen.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.