Tin-Echo joins Gabby-Lorna movie

MAYROON DING MALAKING pagbabago sa teleseryeng tatampukan naman nina Gabby Concepcion at Lorna Tolentino. Idinagdag na sa cast sina Jericho Rosales, Kristine Hermosa at John Estrada. At sa buwan ng Hulyo na ito ipalalabas. Ito ang ipapalit sa Tayong Dalawa. Gaganap naman bilang anak ni Gabby si Kim Chui. Pero, walang Gerald Anderson na kasama sa cast.

Tuloy rin ang pagsasama nila ni Angelica Panganiban sa isang pelikula. Pero, makaka-love triangle nila si Derek Ramsay. Working title pa lang ang Broken Hearts, pero marami ang nagsasabing bagay na bagay ito sa bagong tambalan. At si Laurice Guillen, no less, ang director.

Hindi pa binabanggit kung magkakaroon ng Sharon-Gabby movie in the future na tanging Star Cinema lang ang makapagpo-produce. Kailangan lang pahupain ang pangamba ni Mega sa magiging reaction ng mother dearest niya at ng Vice presidentiable na mister.

Kailangan ding seryosohin ang pahayag ni Gabby na alang-alang sa Sharon-Gabby fans na pinangungunahan ni Annabelle Rama at ng milyon-milyon pang iba, mangyayari ang inaakalang imposibleng mangyayari. Sharon-Kiko naman daw kasi ang solid Gabby fans, say n’yo.

by Chit Ramos

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

One thought on “Tin-Echo joins Gabby-Lorna movie

  1. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » Pinoy Parazzi Vol. #2 Issue #62

Leave a Reply

Your email address will not be published.