TIME HEALS ALL WOUNDS: Friendship nina Gerald Anderson at Kim Chiu, nanumbalik

Kim Chiu and Gerald Anderson

NGAYONG ARAW ang grand finale ng daytime drama series na “Ikaw Lang ang Iibigin”. Ito ang nagsilbing reunion project nina Gerald Anderson at Kim Chiu a.k.a. KimErald pagkatapos ng ilang taong paghihiwalay for reel and for real.

Naaalala namin ang excitement sa mga loyal KimErald fans nang unang i-announce ng ABS-CBN na si Kim Chiu na ang pag-aagawan nina Gerald at Jake Cuenca sa programa (nag-backout si Yen Santos dahil hindi pala keri ng dalaga ang requirements ng show). Ang akala ng lahat ay sa primetime isasalang ang palabas, pero bigla itong minove sa morning timeslot.

Halata ang pagkadismaya ng nakararami, pero tila naging blessing in disguise ito dahil mula umpisa hanggang sa huli ay consistent na panalo ito sa ratings. Ang mga fans din naman ay puwede manood ng episodes online.

Sa tingin namin, ang biggest takeway ng pagsasama muli ng KimErald ay ang pagrebuild ng friendship nila. Matatandaan na hindi naging maganda ang pagtatapos ng kanilang love story and it took a while bago completely naging ok ang dalawa na makatrabaho ulit ang isa’t isa.

May kani-kanyang love life na sina Kim at Gerald. Si Kim ay patuloy pa rin na nagtatravel at laging naiispatan with Xian Lim while Gerald is always with Bea Alonzo.

Sa interview ni Kim recently sa TWBA ay all smiles na kinonfirm ng dalaga na okay na okay na sila ni Gerald.

Dahil sa paglayas ni Xian sa poder ng Star Magic, tuluyan na nga kayang bubuwagin ng Dos ang onscreen tandem nila ni Kim? Baka KimErald ult ang next TV project ng dalawa!

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.