TIM YAP, NAKURYENTE NA NAMAN SA ANGEL LOCSIN-PHIL YOUNGHUSBAND DATE!

HINDI na talaga natuto itong si Tim Yap! Nu’ng Sabado ng gabi, nag-tweet ito ng: “Just learned that Phil Younghusband will be going out on a date with Angel Locsin tomorrow. They’re gonna go target shooting. Hanep!”

Agad naman itong pinabulaanan ng Sports TV anchor na si TJ Manotoc sa kanyang Twitter account ng: “sorry folks, I just checked w @PhilYHusband and as per him the shooting range date ain’t true. hold ur horses!”

Dati nang na-involve si Tim sa mga maling paghahayag ng mga impormasyon sa kanyang Twitter account. Dapat ay maging maingat na ito lalo na’t host pa siya ng isang TV show.

Nasaan ang kredibilidad mo n’yan?

NITA NEGRITA, IBO-BOYCOTT NG TELEVIEWERS?!

Magsisimula na ngayong Lunes sa GMA Dramarama sa Hapon ang Nita Negrita na pinagbibidahan ni Barbie Forteza. Ang kuwento ay umiikot sa isang babaeng dumaranas ng pangu-ngutya mula sa kapwa. Kahit pa sabihing magandang asal ang nais na ipakita ng naturang programa, maraming televiewers ang tila nainis sa titulo ng bagong teleserye at balak nilang i-boycott ito.

Sa ngayon nga, may kumakalat na rin na panlalait sa mga batang may hawig sa karakter ni Barbie sa palabas na tiyak na ikabababa ng self-esteem nila. Sa mga ganitong klaseng proyekto, nararapat lang na isipin din ng mga producers kung ano ang epekto ng kanilang mga palabas sa mga taong nanonood lalo na sa mga seryosong bagay na hindi dapat pinagtatawanan.

GLAIZA DE CASTRO, KONTRABIDA PA RIN!

Kahit pa nagbitiw na ng salitang hindi na ito tatanggap ng kontrabida roles, mukhang dito muli babagsak ang Grazilda star na si Glaiza de Castro. Balitang tinanggap na niya ang offer na gumanap bilang kontrabida sa epicserye ng Siyete na Amaya, kung saan bida si Marian Rivera.

Maganda raw ang role na inalok sa dalaga kaya niya ito tinanggap. Magi-ging busy din si Glaiza sa mga pelikulang nakatakda niyang gawin ngayong taon kabilang na rito ang Mahinhin vs. Mahinhin at Aswang. Wish din ng fans ng dalaga na ipalabas na ang kanyang indie film na Rakenrol, kung saan gumanap siya bilang isang lead singer ng isang banda.

KARYLLE, FROM HURADO TO HOST SA SHOWTIME!

Kung dati ay naging guest co-host si Karylle sa talent show na Showtime, ngayon ay na-elevate na ito bilang co-host ng nasabing programa. Matagal-tagal na ring walang regular show ang anak ng Divine Diva at nagpapasalamat ang kanyang mga tagahanga dahil sa wakas ay mapapanood na ito tuwing umaga.

Pasok na rin bilang bagong co-host si Billy Crawford. Perfect timing din ang pagpasok ni Karylle sa morning variety show dahil magiging busy na si Anne Curtis para sa taping ng kanyang primetime teleserye na Green Rose.


Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

ShowTwitz

About the Author

has written 67 stories on this site.

loading...

One thought on “TIM YAP, NAKURYENTE NA NAMAN SA ANGEL LOCSIN-PHIL YOUNGHUSBAND DATE!

Leave a Reply

Your email address will not be published.