Tili ni Sarah Geronimo kay Rayver Cruz: “NILOKO MO AKO!”

PARA KAY JOHN Lloyd Cruz, hindi niya ipagpipilitan ang third movie nila ni Sarah Geronimo kung ayaw ito ng madir ng dalaga.

May tsika kasing nag-iinarte raw at ayaw nang matuloy ni Mommy Divine ang ikatlong pelikulang pagsasamahan nina Lloydie at Sarah dahil feeling ng madir ng Pop Star ay magiging matensiyon ito. Natsismis kasi na na-hurt ang kanyang dalaga nang paasahin daw ito ng binata na liligawan niya.

“Well, siyempre, hindi naman natin puwedeng gawin ang isang bagay na medyo ‘yung ibang involved sa project ay medyo hesitant, ‘di ba? Kung ganoon, isang bagay siya na dapat hindi ituloy. Ako kasi naniniwala na ‘yung energy, ‘yung gano’n, kung merong isang part ng project na hindi naniniwala, then, para sa akin ha, parang wala nang sense para ituloy pa ang project. But we totally respect that,” paliwanag ni Lloydie sa launching ng isang mobile phone na ine-endorse niya.

Natanong din ang box-office actor kung ano sa tingin niya ang magiging pagtanggap ng movie na pagsasamahan nila ni Sarah ngayong open to the public na ang relasyon niya kay Shaina Magdayao.

“Ako naman kasi, matagal na akong naniniwala na… siyempre hindi naman natin pinipilit. Pero malaking part lahat ng success ng pelikula or project ko is material driven, maganda naman ang pagkakagawa, maganda ang project. Hopefully, in the future, kung mabibigyan kami ng magandang material, ng magandang project, sana kasabay ng kung paano nagma-mature ngayon ang Pinoy audience, sana sumabay rin siya na parang hindi lang naman dapat nakabase sa first team-up. Kumbaga, bigyan natin ng chance na makapag-offer sila ng isang bagay, craft or a good project or a good material at saka mag-improve lahat.”

SPEAKING OF SARAH, totoo nga kayang tinilian ng dalaga si Rayver Cruz sa kanyang cellphone kamakailan?

Panay raw ang tili ni Sarah kay Rayver ng “niloko mo ako!” habang kausap ang dancer-actor sa cellphone.

Masyado raw kasing na-hurt si Sarah nang lumabas ang tsikang nagde-date na sina Rayver at Cristine Reyes.

Kahit nga raw sa mga interview ni Sarah ay panay ang patutsada niya kay Rayver.

True ba itetch, Sarah?

FINALLY AY NAG-SIGN na ng kontrata si Jolina Magdangal sa GMA-7.

“Choice naman namin ‘yon,” esplika ni Jolina sa ‘di nila pagpirma noon ng exclusive contract sa Kapuso network. “Okay naman sa amin ‘yon. Parang hindi rin naman kami asking ng exclusivity that time. So ngayon, dahil may iba ka nang manager, siyempre may mga changes, napagdesisyunan na namin na mag-sign up na.”

Inamin ng dalaga na may natanggap silang offer from TV5.

“Dumaan kay Daddy Jun. Nag-usap naman kami ni Daddy Jun,” sambit ni Perry Lansingan, Jolina’s new manager.

Inamin din ni Jolens na nasa adjustment period pa siya sa Party Pilipinas.

“Siguro hindi ko naman sasabihing haping-happy ako sa Party P kasi lahat naman kami nangangapa rin, eh. And puwede kong sabihin na hindi lang ako ang nakararamdam ng ganito na minsan parang may mga questions pa rin at tsaka parang nalulungkot pa rin nang konti, pero kasama kaming nag-a-adjust doon sa show lalo na’t dalawa ang director. Hindi lang ako ang nakararamdam ng ganito kundi lahat kami, nangangapa at naggo-grow with the show. Gano’n ‘yung nararamdaman ko ngayon.”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleLaban kay Mayweather, ‘di na tuloy: Manny Pacquiao, takot o tinatamad?
Next articleSpread Your Wings and Fly! (Sunshine Garcia)

No posts to display