Tiktik na Panadero, Pinabulagta ng NPA

PATAY ANG isang 48-anyos na panadero na sinasabing tiktik ng pulisya at militar makaraang paulanan ng bala ng mga rebeldeng New People’s Army sa Barangay Maopi, Daraga, Albay kamakailan.

Bandang alas-5:15 ng umaga nang pasukin ng mga rebelde ang bahay ng biktimang si Manuel Mendenilla saka iginapos sa harap mismo ng kanyang asawa at anak saka kinaladkad palabas.

Dito na pinagbabaril ang nasabing biktima ng mga rebelde may ilang metro lamang ang layo sa kanyang tirahan.

Samantala, patuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.