Tigilan ang Bangayan, Unahin ang Bayanihan – UN

MAGING ANG United Nations (UN) ay u-mapela na rin sa mga Pilipino na isantabi muna ang bangayan at sisihan hinggil sa relief efforts sa mga lugar na hinagupit ng bagyong Yolanda.

Sinabi ni UN High Commissioner for Refugees (UNHCR) country representative Bernard Kerblat na mas mahalaga na mamayani ang “bayanihan” spirit sa mga Pinoy kaysa magbatuhan ng puna sa sinasabing pagkukulang ng pamahalaan.

“All of us need to focus on reinforcing bayanihan considering the millions living in despair… We need to stop all the bickering,” pahayag ng opisyal.

Lumalabas sa datos ng ahensiya, tinatayang nasa 13-milyong katao ang naapektuhan ng kalamidad, kung saan nasa 2.5-milyon umano ang nangangailangan ng agarang suplay ng pagkain, gamit at tirahan.

Samantala, inihayag pa ni Kerblat na sa nakalipas na 32 taon na pamamahala nito ng relief efforts sa mga disaster-stricken countries, wala aniya siyang nakitang mas malawak sa pinsalang iniwan ng naturang bagyo.

“This is not the time for bickering. The least we could offer these (affected) people is dignified burial,” ayon pa sa opisyal.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.