Tigil muna sa kagi-gimik Via Veloso, tutok sa inang may breast cancer


Sour-MINT
by Joey Sarmiento

IF MOST PEOPLE today are heading towards their departed love ones in the cemetery and if some are still sleeping because of the all-night Halloween party, perhaps ex-sexy siren Via Veloso is in the church for countless of days now praying for her mother na may sakit at nasa stage four na ng killer breast cancer.

As what other loving daughters are asking to someone up above na nasasadlak din sa ganitong situwasyon, hinihingi rin niya na madugtungan pa ang buhay ng kanyang mahal na ina kundi man malagpasan ang sakit na dinaranas nito ngayon.

Kung marami ang nagtatanong kung bakit all of a sudden ay hindi na nakikita ang presence ni Via sa mga bars kung saan siya habitué some months back, ito ang dahilan. Nakatutok kasi siya ngayon sa kanyang mother and no more time for senseless gimmicks.

Time out muna dahil mas importante nga naman ang kanyang presensiya sa tabi ng kanyang ina.

Maikuwento lang namin, as of press time, e, ang sensational stolen and mailed pictures ni Via at ng kanyag non-showbiz boyfriend kung saan nakunan na naghahalikan sila ng torrid sa isang bar sa The Fort ang nakakuha ng most number of hits sa website ng Parazzi kung saan malapit na nitong ma-reach ang 100,000 mark among the viewers.

At ngayong nagdadalamhati si Via dahil sa sakit ng kanyang ina, wish namin na makiisa sa kanya ang lahat ng viewers ng kanyang picture sa internet na magdasal din for a miracle.

Pinoy Parazzi editorial staff’s also praying for the recovery of Via’s mom.

IF TONI GONZAGA is busy sa kanyang left and right shooting and taping schedules not to mention ‘yung kanyang mga out of town appearances and side rackets, aba, e, hindi rin naman nagpapahuli ang kanyang guwaping and ala-matinee idol na long time boyfriend na si Direk Paul Soriano.

Why? Dahil after the success of his last flick, The Journey Home, kung saan ang balita namin, e, lumibot na raw ito sa buong mundo for its commercial showing, ngayon naman, he is actively preparing for his next project, Thelma, kung saan ipakikita sa pelikula ang madugo at makulay na buhay ng isang atleta.

Sa ngayon, his casting director, Melba, was tasked to fill up all the supporting characters na kailangan sa pelikula dahil sooner than soon ay magsisimula nang umandar ang camera ni Direk Paul.

Maja Salvador will lead the cast as Thelma kung saan gagampanan niya ang papel ng isang runner. Hmmm…’yon kaya ang dahilan kung bakit laging nasa gym daw ngayon si Maja to build up her muscles?

Anyway, kung ganitong parehong busy sina Direk Paul and Toni, paano na tatakbo nang mabilis na ala-Thelma ang wedding plans ng dalawa kung saan marami na rin sa mga taga-industriya ang naghihintay ng update?

For reactions, please e-mail: mediatouch2000@yahoo.com

loading...

2 thoughts on “Tigil muna sa kagi-gimik Via Veloso, tutok sa inang may breast cancer

Leave a Reply

Your email address will not be published.