Tigil-Demolisyon sa mga Iskwater, Inihain sa Kamara

NAGHAIN NG resolusyon ang Anakpawis Party-List sa Kamara na humihiling na magpatupad ng moratorium sa demolisyon sa komunidad ng mga informal settler.

Ayon kay Anakpawis Partylist Rep. Fernando Hicap, dapat itigil muna ang demolisyon hangga’t walang sapat na programa para sa pabahay, trabaho at iba pang serbisyo sa mga informal settler na tatamaan ng nasabing hakbang.

Isinumite ni Hicap ang naturang resolusyon sa harap ng deadline kahapon ng Quezon City government para boluntaryong umalis sa kanilang lugar ang mga informal settlers na nasa danger zones.

Aalisin aniya ang mga ito sa danger zones pero death zones naman ang paglilipatan dahil walang katiyakan ng maayos na pamumuhay sa relocation site.

Samantala, tinatarget ng gobyerno na maialis ang nasa 20,000 pamilyang informal settlers na nasa waterways kabilang ang San Juan River, Pasig River, Tullahan River, Maricaban Creek, Manggahan Floodway, Estero Tripa de Gallina, Estero de Sunog Apog at Estero de Maypajo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.