Tigasin, kritikal sa boga

KRITIKAL ANG ISANG sinasabing siga sa kanilang lugar nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek habang ang una ay naglalakad sa katabing barangay sa Malabon City kahapon ng umaga.

Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng dalawang tama ng bala sa katawan si Frederick Austria, nasa hustong gulang ng Briones St., Tugatog ng nabanggit na lungsod.

Sa ulat, alas-2:30 ng umaga, naglalakad ang biktima sa Dumpsite, Catmon nang pagbabarilin ng suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa TMC.

Inaalam na ng mga pulis ang dahilan ng pamamaril. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.