Tibong lover ni misis, inatado ni mister

TULUYAN NANG nagpantay ang mga paa ng isang lesbian matapos pagsasaksakin ng mister ng kanyang lover nang maaktuhan ang mga ito na nagtatalik sa mismong tahanan ng suspek sa Tacloban City, Leyte.

Ayon sa report ng Abucay Police Station 2, na-

kilala ang nasawi na si Mary Jane Ramos, 36-anyos at residente sa lugar.

Sumuko naman sa awtoridad ang suspek na si Ramil Huwaban, 36, security guard.

Sa salaysay ni Huwaban, nagdilim ang kanyang paningin nang maaktuhan ang kanyang misis at si Ramos sa malaswang eksena at sa mismong kuwarto pa ginagawa ang kahalayan.

Agad na namatay ang biktima bunsod ng matinding saksak sa iba’t ibang parte ng katawan nito mula sa labindalawang pulgadang patalim na ginamit ng suspek at kaagad naman nitong isinuko ang sarili sa mga awtoridad.

Nabunyag na hindi lamang pala ito ang unang pagkaka-taon na naaktuhan ng mister ang kanyang misis na nakikipagtalik sa biktima. Noong nakaraang buwan ang unang pagkakataong nahuli ng suspek ang misis na katalik ang tibo.

Ayon pa sa depensa ng suspek, nagawa umano niyang patawarin ang asawa sa unang pagkakataon subalit hindi na umano nito nakayanan na maaktuhang muli sa ikalawang pagkakataon ang misis na nakikipagtalik sa tomboy na karelasyon kung kaya’t hinintay lamang nito na makalabas ang biktima saka kinumpronta at pinagsasaksak.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.