Tibo sinapak ng pulis sa harap ng tatay

SWAK SA KULUNGAN ang isang pulis matapos itong arestuhin ng kanyang mga kabaro nang sapakin nito ang kapitbahay na tibo sa harap ng ama, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Caloocan Police at nahaharap sa kasong Slight Physical Injuries ang suspek na si P03 Jessie Quinto, may-asawa, nasa hustong gulang, naka-assign sa Highway Patrol Group Camp Crame, ng No. 182 Gen. Terona, Brgy. 144, Caloocan City.

Namamaga naman ang mukha nang magtungo sa nasabing himpilan ng pulisya ang biktimang si Mary Claire Aparece, 20, dalaga, kapitbahay ng suspek upang pormal na magsampa ng kaso laban kay Quinto.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7 ng gabi nang maganap ang insidente sa labas ng bahay ng biktima sa naturang lugar.

Ayon kay Aparece, tinawag nito ang kanyang ama na si Mang Moises na kainuman ng suspek para magluto na ng ulam na ikinagalit ng suspek.

Lumabas ang ama ng biktima kasunod ang suspek at pagharap ni Aparece kay Quinto ay agad itong sinapak sa mukha habang nakahawak ang isang kamay sa bewang na may sukbit na baril.

Hindi pinalagpas ng biktima ang ginawa ng suspek at humingi ito ng tulong sa kanyang mga kaibigan na naging dahilan ng pagkakadakip kay Quinto.

(MARY H. SAPICO)

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.