Tibo, pinulutan ng 2 kainuman

SHOOT SA kulugan ang dalawang kelot matapos halinhinang gahasain ang tomboy na kanilang kainuman kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng Caloocan Police ang suspek na sina Ralf Anthony Niere, 26; at Rocsan Marco, 29, kapwa ng Sampaloc St., Camarin ng lungsod.

Sa ulat ng pulisya, kamakalawa ay nakipag-inuman ang biktimang edad 20 sa mga suspek sa bahay ng kaibigan na alyas Cindy sa Mabolo St., Camarin ng lungsod.

Bandang alas-7 ng gabi, nalasing ang biktima na sinamantala ng mga suspek at halinhinang hinalay ang tomboy.

Paggising ng biktima ay nalaman ang ginawa ng mga suspek na naging dahilan upang magsumbong sa mga magulang at ipinadakip ang mga suspek.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.