Tibo, Pinatos ng Tropa

UMIIYAK NA dumulog sa presinto ng kapulisan sa Pendatun sa General Santos City ang isang tomboy matapos itong pagsamantalahan umano ng sariling kaibigan.

Batay sa salaysay ng nagpakilalang Riza, inamin nitong nakipag-inuman siya sa suspek na nakilalang si Juan na kanyang kaibigan.

Marami umano ang nainom nito kaya’t nalasing matapos nagdagdag pa ng isang kahon ng beer.

Inamin din nito na una siyang nakatulog at iniwan ang suspek subalit nagising na lamang na  pumapatong na sa kanya ang kainuman.

Kanya umanong itinulak ang suspek subalit hindi nito napigilan at nagtagumpay umano sa pagkuha ng kanyang pinakaiingatang pagkababae.

Nahuli naman agad ng mga awtoridad ang inaakusahan matapos ireport ng biktima ang naturang pangyayari subalit tikom ang bibig ng suspek.

Samantala, nagpa-medico legal na ang biktima para gamitin sa pagsasampa ng kaso laban sa suspek.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.