Tibo, pinaputukan ng parak

NAPATAY ANG isang tomboy makaraang barilin nang malapitan ng isang pulis sa sentido dahil umano sa matagal nang alitan sa pagitan ng biktima at ng suspek sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Patay na nang idating sa Manila Central University (MCU) Hospital si Mary Claire Aparese, 21, dalaga at naninirahan sa Gen. Mascardo St., Bagong Barrio ng nabanggit na lungsod.

Isang manhunt operation ang isinasagawa ngayon ng mga elemento ng Caloocan PNP laban sa suspek na si PO3 Jessie Quinto, PNP personnel at residente ng Gen. Tirona St., Bagong Barrio.

Base sa ipinarating na ulat ni Sr. Inspector Salvador G. Garcia, deputy commander ng Bagong Barrio Police Station kay Caloocan City Chief of Police Sr. Supt. Jude Santos, dakong alas-8:35 ng gabi nang maganap ang nasabing insidente sa kahabaan ng Gen. Tirona kanto ng Alley 10, Brgy. 144.

Nabatid na kasalukuyang naglalakad ang biktima kasama ng kanyang pinsan sa naturang lugar nang makita ito ng suspek na agad na nagsuot ng itim na bonnet at mabilis na nilapitan ng nasabing pulis habang hawak ang isang hindi nabatid na kalibre ng baril.

Walang anumang salita ang suspek ay pinutukan ng hawak na baril ang biktima sa kanang sentido at pagkatapos ay mabilis na umalis at nagpunta sa kanyang bahay at saka nag-alis ng suot na bonnet na lingid sa kaalaman nito ay maraming nakakita at nakakilala sa kanya.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, maraming buwan at araw ang nakalipas, ang biktima at ang suspek ay nagkaroon ng isang mainitang pagtatalo na humantong sa pananakit umano ng biktima sa nasabing pulis hinggil umano sa kuwarto na inuupahan ng pamilya ng tomboy na pag-aari ng nasabing pulis.

Matapos umano ang pag-aaway ng dalawa ay pinagbantaan ng pulis ang biktima na kapag muli silang magkita ay may mangyayaring masama sa una hanggang sa dumating ang pagkakataon na maganap ang pagbabanta ng suspek.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.