Tibo, Minanyak ng Tatay ng Kaibigan

KULONG ANG isang mister matapos pahawakan ang ari at ipa-masturbate sa dalagitang tomboy na kapit-bahay ng una sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang suspek na si Dory Gamul, 27, ng Sta. Quiteria ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang edad 14, alas-5 ng hapon, nagpunta siya sa bahay ng suspek upang makipagkantahan sa kaibigan na anak ni Gamul.

Nang nasa loob na ng bahay ay inutusan ng suspek ang anak na bumili ng tubig at nang makaalis ay hinila sa kamay ang biktima bago pinahawak ang pagkalalaki ng una.

Sa takot ay hindi nakapalag ang biktima at natigil lamang nang makisilong ang ate ng tomboy.

Pag-alis ng ate ng biktima ay dinaklot ng suspek ang dibdib ng dalagita subalit nakita ito ng una na naging dahilan upang isama ang kapatid papauwi bago nagtuloy sa barangay hall at ipinadakip si Gamul.

Sinabi rin ng biktima sa mga pulis na ilang beses na siyang nagalaw ng suspek at ang pinakahuli ay noong Mayo 6, 2012 sa bahay rin ni Gamul.  (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.