Tibo, hinalay at pinatay

ISINAILALIM NA sa awtopsiya ang bangkay ng isang tomboy na natagpuang patay malapit sa police station sa Barangay Mabolo, Cebu City.

Ang nasabing biktima ay nakilalang si Quenee Marie Ariasgado, 19, third year high school student ng Zapatera Night High School.

Sinabi ng Cebu City police office homicide section investigator SPO1 Ruel Ayuman na posibleng ginahasa ang estudyante bago ito pinatay dahil may nakitang bakas ng dugo sa ari nito.

Nalaman din na bahagya pang nakataas ang kanyang sinuot na T-shirt at nakababa na rin ang kanyang underwear at shorts.

Hinala rin ng mga awtoridad, nanlaban ang biktima dahil na rin sa ekspresyon ng kanyang mukha nang ito ay matagpuan ng isang dispatcher.

Samantala, may tama rin ito ng matigas na bagay o bato na posibleng dahilan umano ng kanyang pagkamatay.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.