Tiangco, kaisa kontra-Cervical Cancer

 

NAKIISA SI NAVOTAS City Mayor John Rey Tiangco, sa paglaban sa pagkalat ng cervical cancer at breast cancer, ang nakamamatay na sakit na dumadapo sa mga kababaihan.

Inilunsad kamakailan sa harap ng Navotas City hall ang proyektong hinggil sa kalusugan ng mga kababaihan ito ay ang Breast at Cervical Cancer, sa pangunguna ni Mayor Tiangco at Dr. Liberty Domingo, City Health office ng nasabing lungsod.

Dinaluhan ito ng mahigit sa 200 empleyado ng city hall kung saan isa sa mga panau-hing pandangal ay si Ms. Abegail Arenas-de Leon, Binibi-

ning Pilipinas-Universe 1997 at tagapagsalita ng Bravehearts Foundation, Inc.

Tinalakay rin sa nasabing proyekto kung paano maiwasan at malunasan ang nakamamatay na sakit, kung saan bawat dalawang minuto ay may kababaihang namamatay sa Cervical Cancer.

Kaugnay nito, pinaigting pa ng alkalde ang pagsulong para maprotektahan ang kalusugan ng mga kababaihan sa pamamagitan ng inspeksiyon sa pamamagitan ng acetic acid at pagpapakalat ng impormasyon hinggil sa pagbubuntis para sa iba’t ibang grupo gaya ng Catholic Women’s League, wife of Navotas City Hall employees, school teachers, Navotas Manpower and Training Center, students workers at 9 na barangay health centers ng lungsod.

(MARY H. SAPICO)

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.