Tiangco at Iba Pang Elected Officials ng Navotas, Nanguna sa “Brigada Eskuwela”

BILANG PAKIKIISA sa “Brigada Eskuwela” ng Department of Education (DepEd), pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco ang paglilinis ng may 21 public elementary at high schools sa Navotas City, kahapon ng umaga.

Kasama ni Mayor Tiangco sa mga naglinis at nagpintura sa mga classrooms ay si Vice Mayor-elect Clint Geronimo pati na rin ang 12 nanalong konsehal ng lungsod mula sa una at ikalawang distrito.

Apat na araw ring naglibot sa mga pampublikong paaralan ang grupo ng alkalde, upang mabatid kung anong mga paaralan sa 14 na barangay sa Navotas ang may suliranin sa nalalapit na pasukan sa June 3, 2013.

“Personal na kaming nag-ikot ng mga local officials sa mga public school para wala nang suliranin ang mga mag-aaral sa pagbubukas ng klase,” ani Tiangco.

Maging ang mga silya sa mga classrooms na nasira nitong nakalipas na May 13 election ay ipinaayos na rin ni Tiangco.

Kaugnay nito, inatasan ni Tiangco ang Navotas PNP na maging handa para sa kaligtasan ng mga  mag-aaral sa araw ng pasukan.

(ROMAN MAGPOC) 

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.