Tia Pusit badly needs work!

 

ISANG NAKAKALUNGKOT NA parte ng buhay ng isang artista ang minsan ay mawalan nang ningning dahil sa pagsulpot ng maraming baguhan o kaya naman ay ang kawalan talaga ng mga proyektong nababagay para sa isang magaling na aktor or aktres.

Katulad na lamang sa kalagayan ngayon ng magaling na komedyanang si Tia Pusit. Bibihira na lamang siyang maisalang sa mga TV shows kahit na sobrang galing niyang magpatawa. Tumatak sa amin ang kanyang nakakaaliw at nakakabaliw na pagpapatawa at pagbitaw ng mga jokes sa sitcom noon ng GMA-7 na Bahay Mo Ba ‘To?. Pero nang mag-babu sa ere ang nasabing show, minsanan na lamang siyang makapag-guests sa mga TV sitcoms or comedy shows. Nagkaroon siya ng regular show noon sa bagong bihis na TV5 pero hindi rin nagtagal ang naturang show. Napapanood din siya sa Mara Clara na malapit na ring magtatapos.

Matagal na naming kilala si Tia Pusit, panahon pa nang kampanyahan ni Presidente Erap Estrada dahil kami ay production assistant noon sa campaign team na umiikot sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Sana naman muling pagkatiwalaan ng mga TV networks ang nag-iisang Tia Pusit dahil isa siyang maituturing na asset pagdating sa pagpapatawa. Ito ang buhay niya at ang kanyang pagpapatawa ay bahagi na ng tahanang Pinoy.

Sana, muli na natin siyang mapanuod sa mga comedy shows dahil si Tia Pusit ay nag-iisa lamang sa kanyang komedya.

 

SA KOLUM NATIN noong Biyernes, isinulat natin doon na tila umiwas si Andi Eigenmann sa press na nag-antay sa kanya sa isang event. May malaking isyu pa rin kasi ang dalaga sa ex-boyfriend nitong si Albie Casiño na hanggang ngayon ay hindi pa nabibigyan ng linaw.

Minabuti naming hingan ng statement ang management team ni Andi, at nagpaunlak naman sila. “Andi has decided to keep her personal life private. She wants at this point to focus on positive things like her high rating soap. As part of her management team, we support her decision to keep this private. Hope you understand. Thank you for the opportunity to comment. And thanks for supporting Andi.”

‘Yun na!

 

MABIGHANI SA CHARACTER ni Peter Pan na pagbibidahan ng teen idol na si Sam Concepcion via Peter Pan: The Musical. Ito ang musical na unang pagsasamahan ng dalawang higanteng theater company, ang Stages at Repertory Philippines. Mapapanood sa Meralco Theater sa darating na September 29 hanggang October 30, 2011 ang musical na idirehe ni  Menchu Lauchengco-Yulo at Jaime del Mundo.

Marami na rin ang naku-curious sa magandang built ni Sam ngayon na nagkaroon na nang masel sa kanyang braso at maganda na rin ang hugis nang kanyang abs. Pero ayon pa kay Sam, abangan na lamang daw ang kanyang paglipad dahil masisilayan din du’n ang kanyang magandang pangangatawan.

 

DAHIL NA RIN siguro sa pagkahilig nating mga Pinoy sa mga isyung showbiz, naisip ng pamunuan ng TV5 na ilipat ang timeslot ng Paparazzi sa bago nitong oras mula alas-3 ng hapon at ngayon ay mula 1:30-3:00 PM na ito mapapanood.

Nais ng Team Paparazzi na makapagbigay ng mga latest showbiz balita ahead. Sa mga ganitong oras kasi ay kantahan at sayawan ang mapapanood sa dalawang istasyon kaya isang magandang alternative na sa Kapatid Network ay mga isyung showbiz, mga inspirational stories, mga human interest feature na may kinalaman sa maningning na mundo ng showbiz naman ang tinatalakay.

 

Follow me on Twitter, @arnielcserato; Tutok lagi sa Juicy, daily (10 am), TV5; Paparazzi, Sundays, 3 PM, TV5; at sa Cristy Ferminute, daily, 4 to 5:45 PM, Radyo Singko, 92.3 newsFM at Aksyon TV Channel 41.
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

7 thoughts on “Tia Pusit badly needs work!

  1. we love sam concepcion,,sana maging sa mga hotel abroad,,mag run ang stage play nya,,kikita pa siya,,sila,,,plsss…..interesting ito e…mas bagay nga kay sam ang theater at hosting,,hes smart at edukado,,may breeding,,,

  2. ITS MORAL LESSONS SA LAHAT NG TAO O STARS,,NA MAG IPON,,HABANG NASA SHOWBIZ,,HINDI NAMAN LAHTA KASE PWEDING SUMKAT NG BONGGA NA BONGGA DIBA,,IILAN LANG DIN IYAN,,DESTINY DIN IYAN,,,SO,,SAMANTALAHIN NA ANG CHANCES NA MAG IPON AT MAG FOCUS LANG SA WORK SA SHOWBIZ,,HINDI GAYA NG IBA JAN,,NAGBIBILANG NG KASIRAAN AT NEGA NA ISYU NA KALA NILA NAKAKATULONG SA KANILA BILANG TAO,..NAKAKASIRA PA!!TULAD NG PAGBIBILANG NG JOWA,,TAMA BAYUN,,KAYA SILA NAWAWALA AT INAAYAWAN NG TAO AT WALA NA,,MASAGWA SA ISANG STAR NA MAGING KAWAWA AT PERA PA ANG RASON,,HEHEE,,KASE,,HINDI NAMAN LAHTA MAY PRETTY NICE FACES NA PANG SHOWBIZ NGA NAMAN,,HINDI LAHAT MAY TALENTS AT GUTS,,SO,,SAVING IS A MUST LALO NA SA MGA BATANG STARS JAN,,WAG PURO SAYA LANG,,,SAMAHAN NG MAGANDANG RELASYON SA FAMILY AT SA DYOS,,,PARA MATATAG KA,,THAT IS LIFE!!HINDI NA MAN AKTIBO O HINDI KANA SA SHOWBIZ,,AT LEAST MAY MGA NAIPUNDAR KA,,DIBA,,MADALI ANG PERA SA SHOWBIZ BASTA MAG FOCUS SA TAMANG GAWAIN AT AYUSIN ANG SARILI AT LIFE,..IM SURE U WILL GO FAR,,,YUN NA!!

  3. hak hak hak! bukod kasi sa hindi umaalagwa sa rating ng putarazzing yan.. wala naman kasing pumapasok na ads diyan kaya palipat lipat ng time slot, ang makikita niyo ba naman sa mga tv screen niyo ay ang mukhang sinementuhang pagmumukha ni cursety fearmin, sino ba naman ang gaganahang manood diyan kay bubonika? bwahahahah

  4. mas magandang mapanood yung mga veteran actors tulad nila tya pusit, yung mga sikat noong 90’s and 80’s. Sa TFC man or GMA Pinoy TV sila mapanood e ok lang kc kilala namin sila at talagang mahusay ang pag ganap sa roles.

  5. MAS OK NA OK ANG PAPARAZZI SA BAGO NILANG TIME SLOT KASI, TAMA KA ARNIEL, PURO NA LANG KANTAHAN AT SAYAWAN SA KABILANG ISYASYON! MAS OK ANG TALK SHOW KESA PURO NA LANG SAYAWAN AT KANTAHAN!!! MABUHAY ANG PAPARAZZI!!!

  6. laos na kasi yan. gagah e, nagkalat ba naman dati ng tsismis na patay na si nova villa! mangagamit kc. kapatid pa ginamit! KARMA is a BITCH! P.S. kamukha pala nya si anabil!

Leave a Reply

Your email address will not be published.