Thrill killer, gumagala

ISANG DELIVERY DRIVER ang maagang kinuha ni kamatayan makaraang pagsasaksakin ng isang lalaking “thrill killer” habang ang biktima ay naglalakad sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sanhi ng maraming tama ng saksak sa dibdib at katawan ang biktimang si Erther Palingcod, 24, delivery driver, live-in partner, at naninirahan sa Class 13, ROTC Hunter, Brgy. Tatalon, Quezon City.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ng mga elemento ng Caloocan PNP ang suspek na naki-lalang si Benny Gatalado, nasa hustong gulang, at residente ng Sitio Makiki, Tenajeros, Malabon City.

Base sa ulat na tinanggap ni Caloocan City Chief of Police Sr. Supt. Jude Wilson Santos, bandang alas-8:45 ng gabi kamakalawa nang maganap ang insidente sa harapan ng Grand Establishment na matatagpuan sa Block 10, Tanigue St., Caloocan City.

Lumalabas sa isinagawang imbestigasyon ng nasabing himpilan ng pulisya, naglalakad ang biktima sa nasabing lugar nang makasalubong ng una ang suspek.

Walang sabi-sabing pinag-uundayan ng saksak ng suspek ang biktima sa dibdib at katawan at nang magsawa sa kasasaksak ang huli ay mabilis na umalis sa lugar ng pinangyarihan ng insidente na tumatawa nang malakas na animo ay isang baliw. (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.