AFTER THE THIRD PARTY ISSUE: JC Santos, malinis na ang konsensya at nakakatulog na ng mahimbing

JC Santos

MATAPOS magsalita ni JC Santos sa show ni Kuya Boy Abunda na Tonight with Boy Abunda sa Kapamilya Network tungkol sa hiwalayan nila ng girlfriend na stage actress na si Teetin Villanueva, saludo kami sa pagiging lalaki ni JC na on national television ay humingi ito ng dispensa sa kanyang girlfriend dahil sa kanyang pagkakamali at kakulangan na mabibilang mo lang talaga sa showbiz kung meron man na may “balls” ito admit their mistakes at may pag-amin na nakasakit sila.

After the Boy Abunda interview ay naging malinaw na ang lahat. Walang third party or other woman na sumingit sa relasyon nina JC at Teetin.

Ang kakulangan ng oras niya kay Teetin ang rason dahil naging busy na ito sa kanyang showbiz career ang major reason.

In short, direct from the horse’s mouth ay malinaw at klaro na ang issue. No third party at malinis ang konsensiya ng aktor na hindi siya nangaliwa (kung paniniwalaan natin ang statement ni JC) at makakatulog na siya ng mahimbing.

Maging si Direk Perci Intalan of Idea First Company na producer ng romance film ni JC na Mr. & Mrs. Cruz with Ryza Cenon ay hindi naniniwala na naging third party kina JC at Teetin ang fashion stylist ng aktor.

“Wala ako napansin. Wala talaga. Mapapansin mo ‘yan at mararamdaman kung meron man. In Palawan during the shoot, normal lang. Walang ganun,” kuwento ni Direk Perci sa amin when we bumped into each other sa lobby ng Gateway Cineplex last Wednesday kung saan naka-schedule ako to watch the horror film Insidious (waley compare sa mga nauna) na inaaya ako panoorin ang pelikula nila na Ang Dalawang Mrs. Reyes directed by Jun Robles Lana.

After ng public admittance ng aktor sa TWBA ay nawala ang tila disturbed feeling ni JC (ayon sa mga nakakapuna nang lumabas ang hiwalayan issue na siya ang itinuturong dahilan).

JC Santos, Direk Sigrid Bernardo and Ryza Cenon

Now, naka-all smile na nga raw ang aktor at standing proud sa free screening ng pelikula nila ni Ryza sa UP recently na dinirek ng blockbuster director na si Sigrid Andrea Bernardo of the Kita Kita fame nina Empoy Marquez and Alessandra de Rossi.

Today, Saturday ay umalis for Davao sina JC ay Ryza together with their director para naman sa preem ng pelikula nila na showing on January 24 in theaters nationwide mula sa Viva Films at Idea First Company.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

One thought on “AFTER THE THIRD PARTY ISSUE: JC Santos, malinis na ang konsensya at nakakatulog na ng mahimbing

Leave a Reply

Your email address will not be published.