Third Movie nina John Lloyd at Sarah, malapit nang simulan!

Good news sa mga die-hard fans ng tambalang John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo! Muli na namang magsasama ang dalawang Kapamilya star sa yet untitled third sequel ng kanilang super kilig movie. Ito ang ibinunyag ni Papa Lloydie sa isang press conference.

Matatandaang naging isang malaking sugal para sa Star Cinema at Viva Films ang pagsasama ng dalawa. Wala kasi silang matatag na foundation bilang isang loveteam nang mapag-isipang pagsamahin silang dalawa sa isang malaking pelikula. Lumabas lang sila sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya, pero ‘yun lang talaga ang maituturing na proyekto nilang magkasama as a loveteam.

Bago ipalabas ang A Very Special Love, nangapa muna ang dalawa. Paano ba nila mapakikilig ang mga fans? Paano ba nila makukuha ang interes ng lahat? Paano ba mapapaibig nina Miggy at Laida ang mga moviegoers?

Naging isang malaking sorpresa ang tinahak na box-office success ng nasabing pelikula. Sa katunayan nga, ito ang naging #1 box-office movie ng 2008 at panglima sa may pinakamalaking kinita of all-time. Bongga, ‘di ba?!

Pinatunayan din nila na hindi totoo ang ‘sophomore jinx’ sa sequel na “You Changed My Life”, ang Valentine offering ng Star Cinema at Viva Films noong 2009. Alam n’yo ba na ang pelikulang ito ang itinuturing na pinakamalaki ang kinita sa buong kasaysayan ng Philippine Movie Industry? Talbog!

Ngayon, ginagawa na ang script para sa third installment ng love story nina Miggy at Laida, paniguradong mas lalong mataas ang expectations ng lahat. Dito na kaya mapagbibigyan ni Sarah ang hiling ng milyun-milyong fans na matuloy na ang kissing scene nila ni John Lloyd? Sana naman, ‘noh!

Questions? Comments? Suggestions? E-mail us at pinoyfansclub@gmail.com or visit out site at http://www.pinoyfansclub.com

loading...

4 thoughts on “Third Movie nina John Lloyd at Sarah, malapit nang simulan!

  1. yak rayver di bale puro flop movie mga nging lab tim at hwag nyo psiksikan c bunnga daldal dhl cra na cya.

  2. Mas maganda siguro kung kasali pa rin si Rayver sa 3rd movie nila tapos ang twist eh, sina Sarah at Rayver ang magkatuluyan! Para hindi din unfair for JL, ipasok si Shaina sa eksena. Lol
    It’s gonna be fun and exciting!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.