The Wedding Starring Anne Curtis, Zanjoe Marudo and Derek Ramsey – Trailer and Pictures

SA WAKAS AY maipapalabas na rin ang pinaka-hihintay na romantic-comedy tv show ni Anne Curtis na The Wedding. Mag-uumpisa na ito sa May 11 sa ABS-CBN Primetime Bida.



Maraming tagahanga ang talagang naghintay sa proyektong ito. Kung hindi kami nagkakamali, naumpisahan na ang story conference ng nasabing palabas bago pa tanggapin ni Anne Curtis ang muling pagganap sa papel na Celine sa ikalawang yugto ng Maging Sino Ka Man, kung saan minahal ng manonood ang tambalan nila ng dating boyfriend na si Sam Milby.



Iikot ang k’wento sa tauhan ni Anne Curtis na si Candice de Menes, isang single rich girl na gagawin ang lahat para mapigilan ang paghihiwalay ng kanyang mga magulang. Napakatuso ng karakter dito ni Anne dahil nung maghihiwalay na ang mga magulang niya, nagawan niya ng paraang ma-engage sa common enemy ng parents niyang si Marlon (Zanjoe Marudo). Magba-backfire naman ang plano ni Anne dahil totoong ma-i-in love siya kay Zanjoe. Saka naman papasok sa eksena si Derek upang ibalik ang dating pagtitinginan nila ni Anne.


Narito ang listahan ng mga artistang kabilang sa The Wedding:



Anne Curtis as Candice
Zanjoe Marudo as Marlon
Derek Ramsay as Warren
Michael de Mesa as Frank
Eula Valdez as Audrey
William Martinez as Sammy
Irma Adlawan as Grace
Hiyasmin Neri as Sophia
Alwyn Uytingco as Clark
Katrina Gonzales as Ingrid
Zeppi Borromeo as Elvis
Mich Dulce as Tina
Luanne Dy as Vivien
Neil Ryan Sese as Charlie
Frenchie Dy as Marilyn
Perla Bautista as Greta
Lito Legaspi as Lawrence
Nanding Josef as Bogart
Desiree del Valle as Oona
Chinggoy Alonso as Orson
Baron Geisler as Monty
Tetchie Agbayani as Natalie



Maaari ninyong makita ang ilan sa mga eklusibong larawan na kuha mula sa taping ng nasabing serye. Click here to view The Wedding Behind-the-scenes pictures featuring Anne Curtis and Derek Ramsey.





Bilang bonus sa mga loyalistang kaparazzi, eto na ang nahagilap namin na teaser ng The Wedding. Enjoy mga kaparazzi!

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.