THE UNBEATABLE LEADING MAN: Aga Muhlach, tinuhog sina Bea Alonzo at Alice Dixson

Bea Alonzo and Aga Muhlach

BONGGA ang pababalik pelikula ni Aga Muhlach after years of absence.

After muli humarap sa kamera via Star Cinema’s Seven Sundays (with Ronaldo Valdez,Enrique Gil, Cristine Reyes and Dingdong Dantes), kung saan nakakuha siya ng acting nomination mula sa EDDYS Award as Best Actor na mangyayari ang parangal ngayong Lunes, July 9 sa Solaire Resort and Casino ay super active si Morning ( palayaw niya) dahil dalawa at sabay pa ang pelikulang ginawa ng aktor.

Una ang pelikulang first time nila pagtatambalan ni Bea Alonzo under the direction of Paul Soriano.

Sa katunayan, kababalik lang nila after almost two weeks of shooting sa Vancouver, Canada kung saan ayon sa actor: “Wow, I enjoyed working with Bea.”

As of this writing, ang alam ko ay wala pa rin titulo ang pelikula (is it true na ang titulo ng movie nila ni Bea ay based sa pangalan ng mga karakter nila sa movie na tipong Sid and Aya?).

Alice Dixson and Aga Muhlach

Ang second film ng aktor ay ang movie naman nila ni Alice Dixson sa direksyon ni Roni Velasco at sa malayong Greenland pa ang location shooting.

Sinulat ng actor sa kanyang IG account: “I’m proud of this movie. Thank you for this wonderful experience. You made everything easy for us. Those difficult scenes you made it made it so easy to do. Let’s work again soon,” mensahe ng aktor sa kanyang director.

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.