The Seduction of Solenn Heussaff!

WALANG KADUDA-DUDA na isa si Solenn Heussaff sa pinakaimportanteng artista ng GMA-7 ngayon. Kaliwa’t kanan ang endorsements ng dalaga at nalalapit na rin ang paglabas ng kanyang sophomore album. Isa na rin siyang ganap na movie star at sunud-sunod din ang kanyang film assignments.

Ang pelikulang Seduction ang opening salvo ng Regal Films para sa 2013. Ka-triyanggulo niya rito ang controversial real-life couple na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. Unang tingin pa lang namin sa trailer ay talagang kinasabikan na namin ito. Ito ang comeback movie ng batikang director na si Peque Gallaga, na nakilala sa kanyang obrang Scorpio Nights at Oro, Plata, Mata. Magandang senyales ito ng pagbabalik ng sexy-drama movies sa mainstream. Bali-balita rin na walang kiyemeng nagpakita ng puwet ang masuwerteng leading man na si Richard Gutierrez.

Madalas nating napapanood na nagpapaseksi si Solenn sa pelikula’t telebisyon, ngunit ito na marahil ang kanyang pinaka-challenging project so far. Ginagampanan niya ang papel ni Sophia, isang mayamang French-Filipina businesswoman na naligtas ng karakter ni Richard Gutierrez mula sa sunog. Kalauna’y maiinlab ito sa binata at gagawin nito ang lahat para lang makuha ang lalaking iniibig niya. Balita namin ay punung-puno ng love scenes ang pelikula, ngunit naipakita rin ng mga lead stars ang kanilang acting prowess.

Isa rin si Solenn Heussaff sa mga big star natin ngayon na may masugid na taga-

hanga mula sa masa at sosyal crowd. Ipalalabas na ang pelikulang Seduction sa darating na Enero 30. Siguradong nag-aabang na ang mga kalahi ni Adan! Balik primetime rin ang dalaga sa Indio bilang Lalahon, ang diwata ng apoy at bulkan. Parang sakto talaga ang movie and TV roles niya, ‘noh? Too hot to handle kasi!

Matagal-tagal na rin sa showbiz si Solenn, at marami ang nagsasabi na bilib sila sa pagi-ging talented nito. Hindi rin ito problema sa set dahil napaka-cooperative nito. Konting hasa pa sa Tagalog at p’wedeng-p’wede na talaga si Ateng!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

loading...

One thought on “The Seduction of Solenn Heussaff!

  1. Hello There. I found your weblog the usage of msn. That is a very smartly written article.

    I will be sure to bookmark it and come back to read extra of your useful
    info. Thanks for the post. I’ll definitely comeback.

Leave a Reply

Your email address will not be published.