The Road to stardom

NANAKOT NA ANG pinakaaabangang horror movie ng GMA Films para sa taong 2011, ang The Road na nagkaroon ng premiere night noong November 25 sa SM Megamall with the whole cast. Ang internationally acclaimed work na ito ni Direk Yam Laranas ay nakapagpataas na naman ng balahibo sa mga manonood kaya pasok na pasok sa banga ang epek, huh! Ang The Road ay Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB) at R-13 naman ang nakuha sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Kaya sa mga gustong sumigaw at makaranas ng kakaibang scary experience eh, manood na kayo ng The Road, go! Samantala, naispatan ng  aming makukulit na kamerang-gala ang ilan sa bida ng nasabing pelikula at ang iba pang naki-join at sumuporta sa premiere night. Narating kaya nila ang the road to stardom? Klik!

Photos by Mark Atienza

By MK Caguingin

Premiere Shots
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.