THE ‘RIGHT’ MOMENT: Jerald Napoles, leading man na sa ‘The Write Moment’

Jerald Napoles

HINDI inaasahan ng actor na si Jerald Napoles na darating sa kanya ang break para magbida sa pelikulang ‘The Write Moment’ mula sa Idea First Company nina Direk Jun Robles Lana at Direk Perci Intalan, Viva Films at CMB Films na showing na next week, June 27.

Kung nagustuhan ng publiko ang kakaibang timpla ng ‘love story’ ng Kita Kita nina Empoy Marquez at Alessandra De Rossi at mga tipong hindi de-kahon na pelikula recently nina Ryza Cenon at JC Santos, malamang sa hindi ay swak sa panlasa ng mga bagets ang pelikula ni Direk Dominic Lim na unang ipinalabas sa QCinema.    

Sabi ni Jerald sa amin sa shor chat naming yesterday, thankful siya sa mga netizens dahil tumutulong sila sa pagpo-promote ng movie nila ni Valeen (Montenegro).

Valeen Montenegro and Jerald Napoles

“Makikita mo ang dami nilang likes at shares. Tinatag din nila sa mga friends nila na ang nagyayari ay nagpasa-pasa na ng friend of a friend, of a friend na ang sharing ng magandang review sa pelikula.

“Salamat ng marami” sabi ng aktor.

Hindi po one shot deal ang  pagbibida ni Jerald na kabado and at the same time ay excited sa pagpapalabas commercially ng pelikula nila ni Valeen (na during last year QCinema ay happy sila at may mga nanood sa movie nila.

Bukod na bida si Jerald sa The Write Moment ay may tatlong movies siya ginagawa na siya pa rin ang bida tulad ng ‘Nakalimutan Kong Kalimutan Ka” directed by Fifth Solomon and produced by Alwyn Uytingco at ‘Ang Pangarap Kong Hold-up’ with Paolo Contis and ‘Mina Anod” with Dennis Trillo.

 

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.