THE REAL SCORE: Gabby Concepcion & Zara Aldana Link-up

Pumutok na ang link-up nina Gabby Cocepcion at Mutya ng Pilipinas beauty queen Zara Aldana. Lalong napag-usapan ang isyu dahil sa pagiging visible ni Gabo sa pagpo-promote ng pelikulang I’ll Be There.

Pero sa totoo lang, alam namin ang istorya kung paano nagkakilala ang dalawa at kung paano rin natigil ang kanilang ‘short-lived relationship.’ From a person very close kay Zara e, narito ang kanyang kuwento.

“Nagkakilala sina Gabby at Zara last year sa Christmas Tree lighting na naganap sa Tutuban Center. Ipinadala si Zara doon ng Page Jeans at si Gabby naman e, ipinadala ng kumpanyang kanyang ine-endorse.

“Nagkapalitan sila ng kanilang mga cell numbers and of course, it follows na nagkapalitan din sila ng mga sweet messages nang sumunod na mga araw.

“January this year e, nagkasunud-sunod ang pagkikita ng dalawa. Kumakain sila sa labas at nagku-kuwentuhan. Kung babasahin mo ang body language ni Zara nu’ng time na ‘yon e,makikita mo sa kanya na inspired siya at excited sa mga nangyayari sa kanyang buhay. Siguro nga, si Gabby ang dahilan nu’n.

“Pero nanatiling tahimik lang ang lahat until nu’ng mga last week of April kung saan nagpunta sa isang shop ng Page Jeans sa EDSA-Crossing ang pinaniniwalaang asawa ni Gabo.

“Sabi ng mga nakakita, itinuturo raw ng girl ang litrato ni Zara sa shop, kung saan isa siya sa mga endorsers. Hindi raw maganda ang mga salitang binitiwan nu’ng babae patungkol kay Zara kasama na ang ‘malandi’ at ‘mang-aagaw ng asawa.’

“Sinabi pa raw ng babae na hindi raw sila titigil sa paglilibot sa mga malls kung saan nila makikita ang mga litrato ni Zara para makarating daw sa dating beauty queen na alam na nila ang kanilang lihim.

“At that point e, hindi na raw nag-text si Gabo kay Zara. Hindi na raw ito nagparamdam at hindi na rin daw ito sumasagot sa mga calls,” mahabang kuwento ng aming source tungkol sa totoong istorya ng Gabo and Zara link-up.

As of press time, asar daw si Gabo sa istoryang naglalabasan. Wrong timing daw ito dahil lagi niyang kasama ang kanyang anak na si KC kaya hindi na raw dapat pinag-uusapan.

Pero nais naming linawin, matagal nang usapan sa showbiz circle ang balitang ‘yon at dahil recently lang naging visible si Gabo sa press dahil sa promo ng kanyang movie e, pagkakataon na rin ‘yon siguro ng aktor para i-clear ang isyu.

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

8 thoughts on “THE REAL SCORE: Gabby Concepcion & Zara Aldana Link-up

  1. sabi ko naman sa inyo, mga pulpol mga writers dito sa site na ito! puros IMBENTO! mahihinang ulo lng kakagat sa mga ito

  2. Pustahan kasunod niyan may presscon yang Aldana na yan para don sa Cheapipay na Page endorsement niya. Tapos tatanungin siya about Gabby Concepcion siyempre magde deny siya. Siyempre iko cover siya ng TV Patrol at kung saan saan pang station dahil Gabby Conepcion yan. hahahhaa. mga sindikato tong mga writers na to. grabe ang panggagamit. ang galing mag imbento ng story.

    • ano pa.ganunka kitid gumawa ng publicity ang mga bugok na handlers nila..idagdag mo pa dyan na kikita ng mahigit 200million na para bang pati abu sayaf nanonood sa mga walng katuturang pelikula tulad nito..pwe

  3. Nakakatawa naman tong story na to. Halata naman para mabanggit yung Page endorsement ni Aldana biglang ginawan nila ng kwento na pumunta sa Store ng Page asawa ni Gabby sa Cubao pa. Tama may sira lang sa ulo gagawa non. Bakit naman yung poster pa kausapin nasa GMA yan eh di sampalin niya don sa GMA.

    Styel nito ni Sarmiento Bulok! Sigurado grupo to ng bayaran na writers. parang publicist ng Page na cheapipay na clothing line. Gawa kayo ng matinong campaign hindi yang ginagamit niyo pa si Gabby Concepcion para mapagusapan yang si Aldana at ang cheapipay na endorsement niya.

  4. ano ba naman yan? e, kung talagang asawa sya ng isang sikat na artista bakit naman sa isang picture sa mall sya magdadakdak? parang meron naman tililing kung haharap ka sa isang picture at maghahanap pa raw ng ibang malls kung saan meron picture nung babae. parang hindi naman totoo kasi parang gawain lang talaga yung ng may tililing yung kakausapin ang picture.

  5. Bakit naman sa page shop pa pupunta yung asawa ni Gabo? heheheh. mga ungas na to. ginawa pang bobo kaming mga readers. Puwede naman niyang alamin kung saan nakatira. Bakit siya mag eeskandalo sa public place na wala naman doon si Aldana. hahaha. mga loko umayos kayo ha. kung naging friend ni gabby yan. ginamit niyo diyan sa balak niyong promo ng cheapipay na page na yan.

  6. Pakana yan ng clothing line na Page. Loko talaga to si Sarmiento kaya nahuhuli na nakikipag sex sa kotse. Ano press conference ang page para matanong si Gabby Concepcion? Obvious na pilit sinasali sa story ang endorsement ni Zara. Let me guess isa sa publicist ng page na yan tabloid reporter kaya yan ang pakulo na naisip niyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.