The promise of the ring

THERE’S A FAMOUS song titled With This Ring performed by The Platters in the 60s. Masarap ulit-ulitin pakinggan ang kanta because it talks about never-ending love. “With this ring I promise I’ll always love you, always love you. Baby, I never thought so much love could fit in a little band of gold. But I’m telling you, darling. I feel it in my heart, got it in my soul.”

Bakit nga ba madalas gamitin ang singsing bilang simbolo ng isang wagas na pagmamahalan? The custom of exchanging rings dates back over 4,800 years ago. Madalas isuot ang wedding ring sa ikaapat na daliri o tinatawag nating ring finger because there’s an old belief that the left hand’s ring finger is connected by a vein directly to the heart. The ring is also round – meaning it has no beginning and end.

More than just a fashion accessory, the following celebrities wear their ring as a sign of their commitment to their beloved: Kasisimula pa lang ng taon pero marami nang mga artista ang nagpakasal tulad nina Kristine Hermosa at Oyo Sotto who tied the knot last January 12 at Club Balai Isabel in Talisay, Batangas; Roxanne Guinoo and Elton Yap were married last January 23 at the Santuaryo de San Antonio Church in Manila; at sina John Estrada and Priscilla Meirelles ay nagkaroon ng romantikong sunset seaside wedding noong February 26 sa Thunderbird Resorts in Poro Point, San Fernando, La Union. Here’s wishing the newlyweds na mas lalo pang tumibay ang kani-lang mainit at wagas na pagmamahalan sa isa’t isa.

Kung may kinasal ay mayroon namang mga magkasintahan na hindi magpapahuli sa biyahe at officially engaged na rin. Lara Quigaman and Marco Alcaraz have been together for almost two years now. Last October nag-propose si Marco kay Lara. Kyla announced that she and her five-year boyfriend PBA cager Rich Alvarez are getting married. She wants a church wedding, “Minsan ka lang kasing ikasal, di ba, kaya maglalakad na ko sa aisle.”

Meanwhile, a promise ring represents a promise or commitment between two people. Hindi ba’t may natanggap si Cristine Reyes na promise ring mula sa boyfriend niyang si Rayver Cruz at ipinakita pa ito ng aktres sa The Buzz? Sinabi ni Cristine na para itong destiny dahil ito lang ang nagkasyang ring sa kanya. Ano kaya ang pangakong sinisimbolo ng promise ring na pinanghahawakan ngayon ni Rayver kay Cristine?

Uso naman ngayon ang pagsusuot ng purity ring sa mga kabataang artista especially in the US. It is said that purity rings represent sexual abstinence until a person gets married. Ilan sa mga sikat na celebrities who wear them are the Jonas Brothers, Selena Gomez, Demi Lovato, Hillary Duff, Miley Cyrus, and American Idol’s Jordin Sparks. Selena, who is rumored to be Justin Bieber’s girlfriend once said, “It’s something I made a promise to myself about.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

2 thoughts on “The promise of the ring

  1. PARA namang NUNO sa PUNSO ang hetsura ng fez ni Cristine ditets…bwahhahha …. kakatawa talaga fez niya dito… i can’t help myself to to LOL…grabe! yun lang…

Leave a Reply

Your email address will not be published.