THE MOVIE QUEEN IS BACK: Bea Alonzo, sino ang pipiliin kina Paulo at Derek sa ‘Kasal’?

BEA ALONZO

“KASAL” ang grand comeback ni Bea Alonzo sa pelikula mula nang siya ay nagbida sa romantic drama na “How To Be Yours”in 2016 with former boyfriend Gerald Anderson. Naging busy ang aktres doing “A Love To Last” on primetime and it was extended several time. Halos araw-araw ang taping kaya walang time ito to do a movie.

Ang “Kasal” ang first movie ni Bea for this year under Star Cinema directed by Ruel Bayani. May dalawang movie pa siyang gagawin. Isang mystery-horror flick, “Eerie,” a collaboration between ABS-CBN and a Singaporean company. Bea plays a teacher who helps solve the case. Kasama niya sa cast sina Charo Santos Concio, Maxene Magalona and Jake Cuenca sa direksyon ni  Mikhail Red. Ang pangatlo with Aga Muhlach under Star Cinema.

Naka-sentro kay Lia (Alonzo) na pakakasalan ang pinaka-eligible bachelor ng Cebu at kandidato sa pagka-alkalde na si Philip (Paulo Avelino).Nagsimula ang problema nang magtrabaho para sa kanila ang dating kasintahan ni Lia na si Waldo (Derek Ramsay) para sa isang proyekto na maaring makatulong sa pagkapanalo ni Philip sa eleksyon. Muling babalik ang pagtitinginan nina Lia at Waldo at ito ang magiging sanhi ng pagdududa ni Lia sa kanyang nararamdaman para kay Philip.

“And I Love You So,” 2009 ang last film na ginawa nina Bea at Derek. Happy ang actress at makakatrabaho niyang  muli ang magaling na actor. “It’s feel great to work with him again. Iba rin kasi ang chemistry namin. Nagkakaintindihan kami ng husto. Derek is really born to be a leading man,” papuring sabi ng movie queen of her generation.

Paulo Avelino, Bea Alonzo and Derek Ramsay

“And here I am doing a movie with Star Cinema and another movie has been lined up already. I would take just a week or two just to soak in everything that’s happening. I already said that ABS made me who I am, made me realize the talent  that I have especially Tita Malou (Santos ) . She strongly believed in me. I’ll never forget the words that she gave to me. But there’s so many people that I missed, that I’ve worked with through out the years, from teleseryes to movies, I definitely  would like to work with everyone again. So, after this film,I’m gonna take some, maybe one week, just to gather it all in  and then focus again on the new movie that is going to happen. And then , I’ll have to sit down and see what’s in store for me, if I’m gonna do shows sa network.” pahayag ni Derek.

Pangarap ni Derek na makagawa sila ni Bea ng isang teleserye if ever makabalik ito sa Kapamilya network. “That would be amazing to do a soap with Bea,“ say pa nito.

Masaya si Derek na muli siyang nakagawa ng pelikula sa Star Cinema. Hudyat na kaya eto na balik kapamilya network na muli ang actor ? Aminado si Derek  na bukas siya sa posibilidad na  magbalik Dos siya dahil tapos na ang kontrata nito sa TV5. “It’s definitely a step. I’m taking baby stepsand I’m soaking it all the excitement, the blessing that have been given. My contract with the other network has expired. 

Kasama din sa “Kasal” ang isang powerhouse  support cast sina Christopher de Leon, Cherie Gil, Ricky Davao, Celeste Legaspi, Ces Quesada, Bobby Andrews, Cai Cortez, JC Alcantara at Vin Abrenica . Showing in cinema nationwide on May 16,2018.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.