The Gawad Katapatan Awardees (Batch 13)

UMABOT SA P31,562.00 na cash at P162,000.00 na kabuuang halaga ng laptop computers at cellphones ang naisoli ng 13th batch ng Gawad Katapatan. Ang grupong ito ay kinabibilangan ng walong taxi driver, isang personal driver at messenger.

Noong Biyernes, October 25, 2013, sila ay binigyan ng pagkilala dahil sa kanilang katapatan sa programang Wanted Sa Radyo, sa studio ng Radyo5, sa TV5 Compound, sa 762 Quirino Highway, San Bartolome, Novaliches, Quezon City.

Ang mas nakatutuwa sa batch na ito ay sapagkat ang isa sa kanila ay personal driver ng MVP Group of Companies executive na si Atty. Ray C. Espinosa. Si Atty. Ray ay isa sa major sponsor ng Gawad Katapatan simula nang ilunsad ito noong September 2012. Siya ay nagbibigay ng P500.00 cash – mula sa sariling bulsa – sa bawat awardee.

Ang driver ni Atty. Ray na si Edgar Teodosio ay nakapulot ng wallet noong September 29, na naglalaman ng P11,000.00 cash na pag-aari ni Leah Nalaunan, isang travel agency executive, na agad namang ipinagbigay-alam niya sa kanyang boss.

Abot-langit ang tuwa ni Nalaunan nang magpunta siya sa Wanted Sa Radyo kinabukasan para tubusin ang kanyang wallet dahil bukod sa pera ito ay naglalaman din ng mga mahahalagang bagay tulad ng mga credit card, driver’s license at iba pang ID.

Bukod kay Edgar, ang mga kasama sa 13th batch ng Gawad Katapatan ay sina July P. Suaiso ng Safe Taxi, nagsoli ng wallet na may lamang P10,000.00, Sherwin P. Manuel ng Taamoh Taxi, nagsoli ng wallet na may lamang P5,800.00, Ricardo L. Calipusan ng Agmercam Taxi, nagsoli ng wallet na may lamang P4,150.00, Frederick V. Baysa ng Ryo-Aki Taxi, nagsoli ng Apple laptop, Jonathan B. Arado ng Winsome Taxi, nagsoli ng  Laptop, HTC at Samsung cellphone, Teodulo I. Paces, isang messenger, nagsoli ng bag na may lamang Samsung S3, Nokia E72 at P512.00 cash, Richard J. Minay ng Blue Ray Taxi, nagsoli ng Apple iPad mini, Celso P. Vega ng KCW Taxi, nagsoli ng Asus laptop, at Benjamin B. Quilang ng Luresteca Taxi, nagsoli ng Samsung Galaxy Duos.

Si Edgar ay hindi nakadalo sa awarding ceremony dahil sa busy schedule ng kanyang boss, samantalang si Teodulo naman ay pinapunta ang misis bilang kanyang representative dahil sa conflict sa schedule sa kanyang trabaho.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.