The Dyosa & The Prince Charming

BLACK IS A MYSTERIOUS color na bagay na bagay sa Kapamilya actress na si Anne Curtis dahil misteryoso rin ang latest man of her dream. Sa perfume launch ni Papa Hayden Kho kamakailan, naispatan ng aming makulit na kamerang-gala ang maganda at seksing Showtime main host kasama ang kanyang bagong inspiration in life? Truly! Si Papa Erwan Heussaff, ang poging brother ng Survivor Celebrity castaway na si Solenn Heussaff. Kaya naman pala dedma na ni Dyosa ang co-host sa Showtime na si Papa Vhong Navarro dahil may nagpapatibok na ng kanyang heart… he-hehe. Same color din ang suot ni boylet at model-modelan pa ang lolo n’yo, kaya naman perfect match sila ni Anne that night. Time na siguro for Anne na maging lucky na sa pag-ibig para maging party-party na ang love story n’ya with her newly-found prince charming.

By MK Caguingin

Photos by Mark Atienza

Hulicam
Pinoy Parazzi News Service

loading...

7 thoughts on “The Dyosa & The Prince Charming

Leave a Reply

Your email address will not be published.