“The Bourne Legacy” sa Navotas Fishport, tagumpay

NAGING MATAGUMPAY kamakailan ang isinagawang ‘shooting’ ng Hollywood movie “The Bourne Legacy” sa Navotas Fishport, ang pangatlo sa pinakamalaking fishport sa Asya at nangunguna naman sa South East Asia, na isa sa mga napiling lugar sa bansa ng international producer.

Ayon kay Navotas Mayor John Reynald Tiangco, labis nitong ikinatuwa at ipinagmalaki ang nasabing siyudad na isa sa mga pinakasentro ng kalakalan ay naging bahagi ng international movie.

Sinabi pa nito, ang madalas na pagtatampok ng iba’t ibang lokal na pelikula, international at mga documentaries sa nasabing lungsod ay malaking tulong sa pagkilala bilang tourism spot ng pangisdaan.

Ilan din sa mga residente ang mga nakuhang extra sa naturang Hollywood movie at halos pinagkaguluhan na rin ito ng iba pang parokyano na nais makasaksi sa aktuwal na shooting.

Idinagdag pa ng alkalde, na hindi naging sagabal ang shooting sa mga manga-ngalakal ganu’n din ang mga may-ari ng stall na naapektuhan ay binayaran ang kani-kanilang puwesto.

At sa susunod na ‘shooting’ ay muling siguruhin ang kaligtasan at katahimikan sa pamamagitan ng pagpapakalat ng kapulisan.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.