“The Big One” fund-raising concert, makabuluhan

Big-OneSA UNANG pagkakataon, pinasok na rin ng Philippine Red Cross (Rizal Cahpter) ang pagpo-prodyus ng concert – ito nga ang “The Big One” fund-raising concert sa November 27, Biyernes nang gabi sa Ynares Sports Arena, Kapitolyo, Pasig City.

Ayon sa mga taga-Red Cross, dati-rati raw ay fashion events ang kanilang fini-finance, ito ang first time nilang sumubok to produce a concert, sa pakikipag-tulungan ng Aqueous Events.

Makabuluhan ang show, dahil ang malilikom mula sa ticket sales ng concert ay gagamitin sa pondo ng Red Cross kapag dumating ang mga sakuna o kalamidad.

“The Big One” ang title ng concert dahil star-studded ang concert, at matutuwa ang fans dahil may performances mula kina Erik Santos, Richard Poon, Daryl Ong, Markki Stroem.

Aawit din sina Richard Juan at Mikee Agustin ng PBB 727, ang top contenders ng The Voice of the Philippines na sina Thor, Suy Galvez, at Moira dela Torre; ang Pinoy Pop Superstar finalist na si Brenan Espartinez; ang Pinoy Dream Academy finalist Liezel Garcia.

Pati na ang social media at Youtube sensations ay kasama sa show – Bassilyo, Zendee Tenefere, at ang guwapong boyband na Upgrade.

Ang Aqueous Events din ang same producer ng mga unang concert ni Darren Espanto noong bagung-bago pa lamang ito.

Kung mahilig kayo sa music, go ahead and support “The Big One” concert dahil bukod sa mag-e-enjoy kayo sa tigatlong awitin bawat guest, eh, nakatulong pa kayo sa funds na mare-raise ng Red Cross Philippines para sa mga kalamidad sa hinaharap.

Para sa ticket reservations, tumawag sa SM Tickets at 470-2222 o sa Aqueous Head Office at 532-3003, 703-5209, 986-5882.

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.